Sunday, February 15, 2009

Impluwensya ng Makabagong Teknolohiya sa Pag-ibig?

Sino ba ang mag-aakala na ang pakikipaglokohan sa celpone ay nauwi sa pag-ibig na kailanman ay hindi makakamit?


Ako, na nangangarap na matagpuan ang lalaking magmamahal sa akin , ang lalaking bubuo sa aking pagkatao, ang siyang mag-aalaga sa aking inosenteng puso habang buhay.
Lahat ng mga pangarap na iyon ay naglahong parang bula kasabay ng buhay na nawalan ng kulay. Siya ang lalaking minahal ko sa maikling panahon ng pagkakakilala namin. Bakit ako sinusubok ng pag-ibig?

Gusto ko mang kalimutan ang mga sandaling magkasama kami ay hindi ko kaya. Parang bangungot na laging bumabalik balik sa aking ala-ala.Umaasang maulit ang nakaraan at itama ang mali.
Maghihintay pa ba ako? Hihintayin ko pa ba ang lalaking bahagi lang ng aking pangarap? Bakit di ko bigyan ng pagkakataon ang pusong magmahal muli? Patuloy ko pa rin bang lolokohin ang aking sarili o Patuloy kung hahanapin ang di ko mabuong pangarap?